HeavenBound GB Ministries Statement of Faith and Church Covenant

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

I. Diyos
Naniniwala kami na iisa lamang ang tunay, buhay, at walang hanggang Diyos, na ang Diyos ay naibunyag bilang Ama, Anak, at Espiritu Santo.

II. Ang Bibliya
Naniniwala kami na ang Banal na kasulatan ay ang Luma at Bagong Tipan, ang nabigyang-buhay at tiyak na Salita ng Diyos at Doon ay matatagpuan ang tanging mapagkakatiwalaang gabay ng Kristiyanong pananampalataya at pag-aasal.

III. Sangkatauhan
Naniniwala kami na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ayon sa kanyang imahe upang Sya'y bigyan papuri sa pamamagitan ng pagiging masunurin, na nang ang tao ay sumuway, sya'y nahulog at naging makasalanang nilalang na walang kakayahang iligtas ang sarili. Naniniwala kami na ang mga sanggol ay nasa tipan ng grasya ng Diyos at lahat ng tao ay may pananagutan sa Diyos pagsapit nito sa estado ng katungkulan sa pag-aasal.

IV. Kaligtasan
Naniniwala kami na ang kaligtasan (pagbabagong-buhay, pagpapakabanal, pagbibigay katarungan, at pagtutubos) ay nailaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng mga ginawang pagtutubos (pamumuhay, pagkamatay, muling pagkabuhay, pag-akyat sa Langit, at pamamagitan) ni Hesu Kristo,  na ang kaligtasang ito ay matatamo lamang sa pagsisisi na ayon sa Diyos at pananampalataya tungo kay Hesu Kristo.

V. Katiyakan at Pagpapakatatag
Naniniwala kami na ang mga mananatiling tapat kay Kristo ay may kasiguruhan sa pagkakaligtas. Gayon pa man, naniniwala kami na ang Kristiyano ay may malayang kalooban. Sa gayong dahilan, posibleng talikuran nya ang Diyos at sa wakas ay mapahamak.

VI. Mga Katungkulang Kristiyano
Naniniwala kami na ang mga Kristiyano ay dapat mabuhay na matapat sa pamamagitan ng paglilingkod sa simbahan, mataimtim na pagdadasal at pagpapatunay, pagpapaumanhin, pagpapamalas ng mapagmahal at mabuting pakikitungo, paghahandog sapagkat and Diyos ay nagpapaunlad, at pag-aasal na nagbibigay papuri sa Diyos.

VII. Ang Simbahan (Iglesya)
Naniniwala kami na ang Iglesyang Pangkalahatan ay ang Katawan ni Kristo, ang samahan ng lahat ng nananampalataya, na ang mga kasapi nito ay tinawag mula sa kamunduhan upang dumalo sa ilalim ng kapangyarihan at autoridad ni Kristo, ang namumuno. Naniniwala kami na ang lokal na simbahan ng mga Kristiyano, bahagi ng Katawan ni Kristo, kusang-loob na nag-tipon-tipon para sa pagsamba, pagkalinga at paglilingkod.

VIII. Mga Ordenansa (Kautusan)
Naniniwala kami na ang pagbibinyag at ang Hapunan ng Panginoon ay mga ordenansa na tutuparin ng mga Kristiyano lamang.

Naniniwala din kami na ang paraan ng pagbibinyag ayon sa bibliya ay paglubog sa tubig, na ang paglahok sa Hapunan ng Panginoon ay bukas sa lahat ng mga Kristiyano. (Note: May ilang asosasyon at lokal na Iglesya na itinuturing ang paghuhugas ng paa bilang isang ordenansa.)

Naniniwala kami na ito'y dapat ipaubaya sa bawa't isa, na ang pagsasagawa o di-pagsasagawa nito ay hindi dapat ihadlang sa samahan maging sa iglesya, o sa lokal na asosasyon, sa Presbyteryo o sa Pangkalahatang Asosasyon.

IX. Araw ng Panginoon
Naniniwala kami na ang pagkasagrado ng Araw ng Panginoon, ang unang araw ng linggo, na ang araw na ito ay nararapat na tupadin sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos, pagpapatuna kay Kristo, at paglilingkod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan.

Naniniwala kami na ang mga gawain na walang kaugnayan sa relihiyon ay nakatakda lamang sa mga kalagayang pangangailangan o awa.

X. Mga Huling Bagay
Naniniwala kami sa personal na pagbabalik ni Hesu Kristo, at sa muling pagkabuhay ng mga namatay. Naniniwala kami na ang Diyos ay maghuhukom sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesu Kristo, na gagantimpalaan Niya ang mga banal ng walang-hanggang buhay sa langit, at itatapon nya ang mga makasalanan sa walang-katapusang pagpaparusa sa impiyerno.

 

TIPAN NG IGLESYA (Simbahan)

Bilang pagtakda ng aming sarili, sa kanyang Iglesya at tipan na kalakip nito, at kalakip ng bawat isa, pati ng Diyos.

1.        Tatalikuran namin ang lahat ng kasalanan, maging ang paglabas ng kasamaan. Iiwasan namin ang lahat ng nakakapag-alinlangan na gawain at kaluguran. Tatalikdan namin ang lahat ng nakakasamang asal. Iiwasan namin ang lahat ng may kaugnayan sa kasamaan.

2.        Susundin namin ng taimtim, batay sa kabanalan at tunay na pagkasagrado sa  takot at pag-ibig sa Diyos. Hinahangad muna namin ang kaharian ng Diyos at ang Kaniyang kabanalan. nagtitiwala na lahat ng mahalagang pangangailangan ay aming matatanggap; hinahangad namin ang buong pagpapabanal sa Diyos; Mamumuhay kami sa panalangin. Hangad namin ang di-nagbabago at walang maliw na Banal na buhay sa aming kalooban. Mabibigyang-kasiyahan lamang kami kung mayroong pagpapatunay na kami'y nakapagbigay-lugod sa Diyos at kami'y tinanggap N'ya.

3.        Matapat naming pagbubutihin ang lahat ng paraan ng pagpapala. Dadalo kami at magbibigay suporta sa mga servisyo ng simbahan, mga pangaral, mga serbisyong panlipunan, mga pagpupulong. Maluwag kaming magbibigay ng tulong sa anumang paraan para sa pagsulong ng Ebanghelyo; Makikipagtulungan kami sa aming mga kapatid sa bawat proyekto na naglalayon ng kaluwalhatian ng Diyos at kaligtasan ng sangkatauhan.

4.        Magiging maka-Kristiyano kami sa lahat ng aming mga pagkikilos. Magiging maingat at mapagmahal kami sa bawa't isa; Iingatan namin ang karangalan ng bawa't isa, hindi pag-iisipan ng masama, at hindi maninirang-puri sa kapwa; Magiging makatwiran, tunay, tapat, at marangal kami sa lahat ng aming pakikitungo; Magiging mapagkumbaba kami, mapagmahal at mapagpatawad sapagkat hangad din namin ang kapatawaran para sa amin.

5.        Kami'y magiging matapat na Kristiyanong manggagawa. Gagawin namin ang anuman Kristiyanong tungkuling ng malugod at walang-pagiimbot, at lalo pang maghahanap ng mga pagkakataong makagawa ng kabutihan, pagpuri sa Diyos, at makaligtas ng kaluluwa; magsisikap kami na mahikayat ang aming mga kasosyo, kapitbahay, at pamilya, at nang ang lahat ay mahikayat na maging Kristiyano; isasaalang-alang namin ito nang higit pa sa aming pagkain at inumin na gawin ang kalooban ng Diyos sa langit, ihatid ang mga kaluluwa mula sa kasalanan at kamatayan tungo sa Diyos at sa langit.

6.        Kung kami'y lilipat sa ibang lugar, kami'y sasali sa isang iglesya sa lalong madaling panahon upang maipagpatuloy ang pamumuhay sa pamamagitan ng Espiritu ng Tipan na ito at ng mga simulain ng Banal na Kasulatan.

Return to HeavenBound Gb Ministries About Us Page